|
by Bob Ong

Ngayong NKKBSKNTLG, eto na ang sequel… dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere, may New Testament ang Old Testament, at may Toy Story 2 ang Toy Story!
Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan ang Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga taong umaakyat ng overpass pero hindi naman tumatawid. Pero alam mo na rin ba kung bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Kung ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima? Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? At kung bakit nagbabasa pa rin ang mga Pilipino kahit sabihan pang "Bawal Basahin ang Nakasulat Dito"? Nang isulat ko ang "ABNKKBSNPLAko?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong," ipinakilala ko sa mga dating mambabasa ng Bobong Pinoy Dot Com ang tao sa likod ng nasabing website. Sa wakas, nasagot na rin ang makulit na tanong na "Taga-U.P. ba si Bob Ong?" …Yun nga lang, hindi pa rin doon nagtapos ang usapan. Dahil para naman sa mga ngayon pa lang nakabasa ng mga kwentong barbero ni Bob Ong, umikot lang ang tanong sa pinagmulan nito: "Ano ang Bobong Pinoy Dot Com?"
[more]
Ang Paboritong Libro Ni Hudas by Bob Ong

<. - - .> Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro. <%> Ano? <. - - .> Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka. <%> HA?!?! <. - - .> Surprise! <%> Sandali… alam ko biro lang ‘yon, diba? <. - - .> Depende.
<. - - .> Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari? <%> Hindi ah! <. - - .> Shoplifter ka? <%> Lalong hindi! <. - - .> Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili? <%> Hindi rin! <. - - .> Nagpa-xerox ka? <%> Ba’t mo alam?
[more]
Alamat Ng Gubat by Bob Ong

Welcome to the Jungle! Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisdong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat! Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat. Ang Librong Pambata Para sa Matatanda!
[kaaliw! click here para malaman!]
Stainless Longganisa by Bob Ong

Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro Ni Hudas, at Alamat Ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali– ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at at tamang praan nG pagsusulat, "Wow! Konti na lang ang typo!" -J.K. Rowling "Super pwede na!" -Dan Brown
[more]
|
my poison is stainless longganisa. =)
Posted by Cheska at March 17, 2007, 3:51 am